Chicken Cuts and Pork Cubes Boiled and Soy Sauce and Vinegar With Potato Slices

Naghiwa ng sibuyas.

Nagbalat at naghiwa ng patatas (in small and cute cubes).

Ginisa ang sibuyas.

Nagbukas ng isang lata ng corned beef at inihulog ito sa kawali kasama ng ginisang sibuyas.

Nilaglag ang mga patatas (in small and cute cubes) at hinantay maluto ang corned beef with patatas (in small and cute cubes).

Mayroon akong isang taong ipinagluto kanina lang bago siya pumasok ng trabaho. Ang unang plano ko eh magluto ng Chicken Pork Adobo. Nabili ko lahat ng ingredients mula sa pinakamalapit na supermarket sa aming apartment na inuupahan.

Dahil sa kapos na din naman sa oras, papasok na kase yung taong ipinagluluto ko, corned beef na lang niluto ko.



Kilala mo ba ang Bad Boy ng Philippine Cinema? Si Robin Padilla.

Eh ang Bad Boy ng Dance Floor? Si Mark Herras.

Kilala mo ba si Prince of Pop? Si Erik Santos.

Eh ang Divine Diva? Eh ang Soul Diva? Si Zsa Zsa Padilla at Jaya, respectively. Bongga di ba?

Ang Comedy King? Si Dolphy. SLN.



Ngayon, alanganing oras na (pasado ala-una ng madaling araw) at hanggang ngayon eh niluluto ko na ang adobo (para sana ready na ito bukas for breakfast naman). Malapit na itong maluto. Malambot na ang manok at baboy. Malambot na din ang patatas. Ibinuhos ko na ang suka at papakuluin ko na lang ito ng mga ilang minuto.

Sinimulan ko ang paghahanda at pagluluto ng adobo mga ilang minuto bago mag alas-dose ng madaling araw.

Hinuhugasan ko ang mga hiwa ng manok at baboy ng umere sa TV ang palabas na "Walang Tulugan with Master Showman". Naisip ko lang bigla, may kamag-anak, kaibigan o kakilala kaya ako na nanonood ng palabas na 'to? Wala lang, naisip ko lang. Ikaw pinapanood mo ba yung palabas na yun?

Hinuhugasan ko pa din ang mga hiwa ng manok at baboy ng ipakilala ng mga host ang sunod na mag-pe-perform sa entablado.

Host: Ito na po, ang "Prince of Mall Show" ... Jake Vargas!

Seryoso!? Prince of Mall Show!? Wala na bang ibang maisip na "Title"? Walang hiyang yan! Basta mabigyan na lang panalong title eh. Prince of Mall Show? Talaga lang!? Sana lang nai-imagine mo akong medyo galit at medyo naiinis habang binabanggit ang mga katanungang ito.

Gaano kalaking bagay ba para sa mga taga-showbiz na ito na mabigyan sila ng "Title"? Problema ba kung hindi ka mabigyan ng ibang titulo bukod sa pangalan mo? Hindi ka ba makikilala ng tao? Malalaos ka ba? Wala bang manonood ng mga pelikula at teleserye mo kahit sabihin mo pang pinaghirapan mo gawin ang mga ito?

Kung parte ito ng strategy or publicity para maging mabenta at sikat ang artista, hindi ko alam. Kung sadyang trip lang ng mga taga-showbiz, hindi ko din alam.

Kung bakit ko sinusulat ito para ikwento sa inyo? Hindi ko din alam.

Wala naman akong gustong ipunto.

Hindi lang talaga ako maka-get over sa title na "Prince of Mall Show".

Kung ako lang eh mabibigyan ng title bukod sa pangalan ko, eto mga top choice:

3. "Hari ng Tondo" - Yung girlfriend ko kase taga-Tondo, siya ang magiging Reyna ng Tondo, ako naman ang Hari. :D

2. "John Lloyd Cruz ng I.T. Industry" - Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit? Hello, tingnan mo naman ang ebidensiya. (Isipin mong ipinupunto kong tingnan mo ang buong katawan ko mula ulo hanggang cuticle sa kuko sa paa.)

1. Ito tabla itong mga titles na ito na gustong gusto kong maitawag sa akin - "Husband" o "Daddy" :D

Luto na ang adobo. Mukha at amoy masarap ang luto ko, parang gusto kong kumain, sayang lang wala nang tirang kanin.

Kung ikaw ang tatanungin, ano mas gusto mo? Magkaroon ng sariling title para sa iyo o matikman ang adobo? Kung pinili mo ang sariling title para sa iyo, anong title naman ang trip mo?