Sending this one out into the cosmic void

Lately, ayaw ko nang nagche-check ng facebook ko. Kung itatanong mo kung bakit, dahil sa mga kadahalinang ito:

1. Wala din naman akong masasabi na ikaka-interest ng ibang tao, kaya hindi na ako nag-o-online masyado.

2. Iniiwasan kong makabasa ng mga posts na teeny bopper ang dating. yung tipong ambabata pa eh love problems na ang pinoproblema. Ang sarap kaya magbuhay teenager na walang ibang iniisip kundi sarili mo lang. Walang boyfriend/girlfriend, barkada lang at walang hanggang pag-do-Dota (pero graduate na ako sa phase na ito.)

3. Tuwing nakikita ko ang pinagkakaabalahan ng ibang tao sa facebook, napapatigil ako. Naiinggit, at napapaisip.

Inggit.

Nung nakaraan lang, galing kaming La Union, para mag surf. Yes! May nabawas na naman sa imaginary kong listahan ng mga bagay na gusto kong gawin. Nakatayo naman ako sa board at na-enjoy ko ang mag-ride sa mga waves. Gusto ko nga bumalik dun at ulitin ang aking adventure.

A few days after the La Union trip, may nakita akong nagpost ng mga pictures nila sa Ilocos Norte, at sa Baler. Kakagaling ko lang sa travel, pero nung malaman kong may mga kakilala akong namasyal din sa mga lugar na gusto kong puntahan, nainggit na naman ako. Ang Ilocos Norte, dadalawin namin sa September. Sa Baler wala pang plano, pero kating kati na akong puntahan ito. Ako na talaga ang inggitero.

Aside from travel posts.

Madalas din ako nakakakita ng mga posts ng mga picture ng mga aspiring photographers sa contacts ko sa FB. Naiinggit din ako sa kanila kase ang gaganda ng mga kuha nila. At mas naiinggit ako sa kanila kase may sapat silang oras para magbuhusan ng pera, atensyon at panahon ang hobby nila. Dati nagagawa ko din naman ito, nung medyo bago pa yung camera ko at nung medyo maluwag pa sa trabaho. Pero ngayon, malabo na.

Aside from photography hobby.

Madami akong nakikita na mga masisipag sumali sa mga running events. Gusto ko din sumali sa ganoon kahit isang beses lang. Kaso kailangan ko mag-trainining. Kaya lang, pagdating ng weekends, wala akong sapat na motivation para bumangon ng maaga at pumunta sa parke para tumakbo. Dati naman nagagawa ko ito, pero ngayon hindi na din.

Ilan lang yang mga bagay na yan. Madami pa pero hindi ko na kayang isa-isahin pa. Mag-a-alas dos na din kase ng madaling araw. Kailangan ko na itong tapusin para makatulog na ako at hindi ma-late ng pasok bukas.

Ang gusto ko lang namang ipunto, base sa mga nakikita at nababasa ko sa facebook, napapatigil ako at napapaisip. Its as if, yung ibang tao, parang alam na nila kung ano ang mga gusto nila sa buhay. May desididong magtravel, magphotoshoot at magpaka-Forrest Gump sa pagtakbo.

Yung ibang tao, nagiging productive sila sa mga oras nila, after office hours at during weekends. They have enough time and motivation to get out of their beds, get out of their houses and do things that they want to do. Ako kase pagdating ng weekends, minsan pinipili ko na lang mag-stay sa bahay at hintaying lumipas ang araw ng Linggo.

Buti na lang tuwing sabado, sinisipag pa din akong lumabas para makipaglaro ng badminton with some of my friends. Isa ito sa mga gawain na nagpapanatiling matino sa akin. Plus the fact na nakakatulong din ang pag-babadminton para kahit papaano eh maging physically active pa din ako.

Dala lang siguro ng matinding pagod at pressure sa trabaho kaya hindi din ako makapagfocus sa mga ibang bagay na gusto kong gawin outside the office.

Pagkatapos ng lahat ng ito, malamang, mas magiging active na ako sa ibang bagay at mawawala na rin ang pagiisip ko ng kung ano ano, kagaya nito.