Kaso tingin ko, wala akong sapat na teaching skills. May mga bagay akong gustong ipaliwanag pero hindi ko kayang ipaliwanag ng maayos kung hindi ko dadaanin sa 'charade'. Isa pa, ang sama ng hand writing ko. So baka ang mangyari, 'yung mga isusulat ko sa black board (na kulay green) o white board (na siyempre, kulay white) eh hindi din maiintindihan ng mga estudyante ko. Sulat doctor kasi.
Eto pa ang mahirap sa lahat. Wala akong husay pagdating sa 'sales'. Ano kinalaman nun? Mababa ang sweldo ng mga teachers. So kailangan nila mag-sideline sa pagtitinda ng mamisong kendi/chocolate, tocino, embutido para lang may dagdag na kita. Ngayon, pag sa akin nangyari 'yung may mababa na sweldo, hindi ko kakayahin magtinda ng mamisong kendi/chocolate, tocino, embutido. Paano na lang ang 'Lifestyle of the rich and famous' habits ko?
Enihaw, dahil sa World Teachers Day ngayon, gusto ko magbigay pugay sa lahat ng teachers sa buong mundo.
Sa mga teachers na nagbenta sa akin ng mamisong kendi na pinapakyaw ko dati.
Sa teacher na nangurot sa singit ko: nag-iisa ka lang Ma'am Abrilla (Grade One).
Sa teacher na nacute-an sa akin at kinurot patilya ko.
Sa teacher na binilhan ko ng isang bilao ng puto kase may usapan kami ng mga kaklase ko dati maghahanda kami para sa birthday niya (siya din 'yung teacher na kumurot sa patilya ko).
Sa teacher ko sa automotive na pinalo ako sa pwet at pinakanta ako ng 'Tell The World of His Love' sa harap ng klase.
Sa teacher ko na bigla akong tinawag sa recitation dahil napansin niyang wala ako sa sarili at busy ako sa pagtingin sa malayo. (Dahil dun, hindi ako nakasagot ng maayos.)
Sa teacher ko sa Filipino na binigyan pa din ako ng pasadong grade kahit hindi ako nakakapagpasa ng notebooks at book reviews sa 4th grading.
Sa teacher ko sa Chemistry na laging pinapansin 'yung buhok ko kapag mahaba na at lagi akong pinupuri kapag bagong gupit ako.
Sa teacher ko sa Araling Panlipunan na inuutusan kaming mag-igib ng tubig sa quadrangle gamit ang 1.5 liter bottles ng Coca-Cola. (Ad placement na naman oh. Wala ba akong libreng sopdrinks dyan?)
Sa mga teacher ko sa values: Kahit po ganito ang ugali ko ngayon, pramis marami akong natutunan sa inyo.
Sa mga teachers ko sa English: Kahit na pinagsayangan niyo ako ng oras, barok pa din ako mag-ingles. Me is not good in English.
At sa mga professors ko sa college na: hindi nagtuturo/pumapasok; amoy formaline ang make-up; laging hina-heart burn, nagpapagawa ng case studies; nagpapagawa ng reporting ng mga chapters sa course syllabus.
Sa lahat ng inyong sakripisyo.
Sa lahat ng inyong oras.
Sa lahat ng inyong pagsisikap.
Sa lahat ng inyong paghihirap.
Sa lahat ng inyong pagtitiis sa medyo hindi mataas na sahod.
At sa lahat ng inyong naibentang mamisong chocolate/tocino/embutido.
Salamat!
At mabuhay kayo!
No comments:
Post a Comment