FTW Sunday.

Medyo stressed out na ako sa trabaho nitong mga huling nakaraang linggo. Marami akong kailangang gawin pero hindi ko lahat matapos. Ang dali ko kaseng ma-distract. Hindi ako makapag-focus ng 100% sa ginagawa ko. Paano ba naman, ang lakas manukso ni 'Facebook'. Feeling ko binubulungan niya ako sa tenga at sinasabihan na: "Halika, sumilip ka sa akin kahit sandali lang." Anong magagawa ko? Tao lang ako. Mahina. Nadadarang. At natutukso rin. Kaunti bulong, hindi ko na ang mag-Alt + Tab at saka mag-check sa Facebook.

Dagdag pa sa mga tukso eh pagkakaroon ng DoTa sa mga PC dito sa ofis. Pag lunch time, at uwian, madalas kami naglalaro ng mga katrabaho ko. 'Yung oras na OT ko sana para matapos ang tasks ko, nauuwi lang din sa paglalaro. Ako na ang model employee.


Dahil sa pagod at stress sa pagtatrabaho (at pag-FB / paglalaro sa ofis), naisipan ko na gusto ko na naman magbakasyon kaso wala naman akong kasama. Gusto ko na lang lumabas kahit saan bitbit ang camera ko at mag-picture picture ng sandali. At medyo kailangan ko din ng "All by myself time." Medyo may mga malalalim din kase akong bagay na iniisip tungkol sa personal na buhay at buhay pag-ibig.

Dahil hindi naman maka-alis at makapunta sa dagat, naisip ko na lang na pumunta sa park pagdating ng linggo.

At nung linggo nga, medyo tinatamad pa ako gumising ng maaga. Mga alas otso ng umaga na ako bumangon. Mga alas nuwebe, pumunta na ako sa Quezon City Memorial Circle. Mag-iikot ikot lang sana ako dun para mag-shoot ng mga nag-e-exercise, nag-ja-jogging at nagpipicnic.


Buti na lang talaga, hindi ako tinamad pumunta sa park nung araw na iyon. Natiyempuhan ko na may isang organization ng mga dog owners ang nasa park. Kasama nila ang kanilang mga aso. Swerte dahil may iba akong mali-litratuhan bukod sa mga nag-e-exercise, nag-ja-jogging at nag-pi-picnic.

Sulit naman ang naging punta ko. Natuwa ako sa pag-picture sa mga aso. Pansamantala, nawala ang pagod ko dahil nagamit ko ulit 'yung camera ko.


Pagkatapos, nung Linggo din na iyon, padating ng hapon, pumunta kami ng ilang kaibigan ko para manginain ng isaw manok at isaw baboy sa U.P. 15 sticks ng isaw manok, 15 sticks ng isaw baboy at 5 sticks ng tainga ng baboy. May dessert pa na 25 pesos worth of dirty ice cream with Mango, Cheese and Avocado flavors. Dahil dun kaya tumaas na naman 'yung 'Kasiyahan Meter' ko. :)

At bukod pa dun, Linggo ng gabi, medyo nagkausap kami ni 'commander-maylabs' at kahit papaano eh naging maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa. 'Yung 'Kasiyahan Meter' ko, munting nang sumagad. :D


So in short, naka-experience ako ng 'Panalong Sunday' nung nakaraang linggo. Dahil dun, masaya ako.


Eto ang mga pictures:





"Aspin"


"Labrador Retriever (Black)"


"Labrador Retriever (Lemon)"


"Golden Retriever"






"Chow-chow"


"Japanese Spitz"


"Miniature Schnauzer"








"Chihuaha"


"Miniature Schnauzer"




"Alaskan Malamute"




"Yorkshire Terrier"




"Siberian Husky"








"My Dream Dog: Beagle :)"


"15 sticks manok isaw + 15 sticks isaw baboy + 5 sticks tenga ng baboy"


"Mang Larry's Isawan"


"25 pesos worth of Dirty ice cream: Manga + Cheese + Avocado"

1 comment:

ganda :) said...

hahah! natawa naman ako.
nadaanan ko lang tong blog mo, hindi ko napansin na sayo pala to gelow. (hindi ko kasi binasa yong URL)
kaya pala habang nagbabasa ako, sabi ko parang nakakarelate ako at parang kilala ko to ah...hahah! kaw pala yan, gelow! toinks! heheh!