It's one of them games that makes us Pinoy.

Tulad ng ilang beses ko na nabanggit sa mga dati kong istorya, laking kalye ako sa may Blumentritt sa Maynila. Hindi naman ako pulubing pagalagala lang sa lansangan. Although there are times na mukha nga akong pulubi. Nagkataon lang na nung nasa Blumentritt pa ako, madaming oras ng pagkabata ko ay naigugol ko sa paglalaro at pagtambay sa mga kalsada.

Madaming bagay na pwedeng paglibangan doon sa dati kong lugar.

Pwedeng maglaro ng mga larong kalye na malamang ay hindi na alam ng ibang kabataan ngayon. Sigh! I feel so old.

Pwede din maglakad-lakad lang papunta sa kabilang kanto hanggang sa makakita ka ng gustong meryanda mo - banana que, turon, flying saucer (chipipay na burger na pinitpit para uminit), lala, wonder boy at pom-poms.

Pwedeng-pwede din na pupunta ka lang sa tambayan ng pinakamalalapit mong kaibigan para lang, well, tumambay. Makipag-kulitan. Makipag-tambayan. Hanggang sa mabored na kayo sa isa't isa at maiisipan niyo na lang umuwi.

Pero isa siguro sa mga sikat na libangan noon, hindi lang ng mga bata pati na din ng mga matatanda at tingin ko ng karamihang Pilipino ay ang paglalaro ng Bingo.

Siguro naman, halos lahat ng tao sa Metro Manila, kung hindi man sa buong bansa eh naka-experience maglaro ng Bingo. Isa itong perpektong laro para umubos ng oras, pera at mga maliliit na bato na nakakalat lang sa kalsada para gawing panantos. Pananantos - (Noun) maliliit na bagay na gamit upang pananda sa mga numero sa baraha na natawag na.

Simple lang ang laro ng Bingo. Sabi nga ng isang teacher ko noong High School, ang Bingo daw ay larong pambobo lang. Sa kadahilanang, wala ka naman daw gagawin kundi tingnan ang baraha mong may dalawampu't lumang numero (random from 1-75) at maghintay na matawag ang mga ito. No more, no less.

Parang Tic-Tac-Toe lang ito. Sa bawat tawag ng numero, mamarkahan mo ang mga numerong mayroon ka sa baraha mo hanggang sa makabuo ka ng pattern na magpapasambit sa iyo ng malakas ng salitang - BINGO!

Ang mga patterns ay ibaba - box, straight horizontal line, straight vertical line, straight diagonal line (oo straight na diagonal, wag kang makulit!). Madami pang ibang pattern pero sa lahat ng iyan, may pinaka-big time na pattern sa lahat - ang Black Out.

Black Out - paunahang magkaroon ng baraha na ang lahat ng numero ay natawag/nabola na. Ito ang pinakamatagal na buohin sa lahat at kadalasang ginagawa kapag patapos na ang laro. Grand Finale ika nga nila.

Kung bakit masarap maglaro ng bingo, ito ang ilang dahilan.

1. Simple ang mechanics. Pumili ka ng baraha o card at hintayin makabuo ng winning pattern.

2. Maliit ang puhunan at pwedeng kumita ng malaki, yun ay kung madami ang kasali. Dati, singkwenta sentimos lang ang bayad kada baraha. Hanggang sa tumaas sa piso. Ngayon, hindi ko na alam kung magkano.

3. Pamatay oras.

4. Socialization - isang magandang activity ito upang magkasama-sama ang mga nanay sa isang barangay para gumawa ng ibang bagay bukod sa mag-tsismisan, maiba lang.

Pero hindi ang mga bagay sa taas ang dahilan kung bakit nagiging masaya at exciting ang larong bingo. Ang kulay ng laro ay kadalasang nakasalalay sa isang tao lamang - ang tagabola.

Ang tagabola ang siyang may hawak ng lalagyan kung saan naandun ang pitumpo't limang bulitas (numbered 1-75). Siya ang nakatalagang mag-alog at kumuha ng numero isa-isa hanggang sa may isa o mas marami pang manlalaro ang sumigaw ng Bingo.

At siyempre, ang tagabola ay hindi dapat basta basta. Mayroon yang mga necessary skills to make the "bolahan" fun at worthwhile.

Una, malakas at malinaw na boses. Kailangan itanim sa isipan na karamihan sa naglalaro ng bingo ay may mga edad na. Maaring mahina na ang pagdinig kaya kailangan sumigaw ng kaunti para sa kanilang kapakanan.

Pangalawa - creative. Hindi lamang simpleng gawain ang pagbola at pagbasa ng numero. Kailangan mo itong lagyan ng kulit at kulay paminsan-minsan. Kahit pa ang kulay na gusto mong ilagay ay "Green."

Halimbawa, sa letrang B - number 1. Sa halip na number one, pwede mong sabihing: "Sa letrang B - T*t* ni Toto, matigas na matigas ... Uno." O di kaya'y: "Sa letrang O - paborito ni baliktaran! 69!" Get my point?

Pangatlo, kailangan marunong mag-build up ng suspense. Pinakasamarap na moment sa paglalaro ng Bingo ay yung maraming na namumuro, yung tipong isang numero na lang inaantay nila bago nila isigaw ang mahiwagang kataga para ipaalam sa lahat na sila ang maswerteng nanalo. At dito papasok ang pag-build ng suspense. Wag mo diretsong babanggitin ang numero. Gawin mo ito ng marahan, mahinahon at may nakamamatay na pagbitin.

Halimbawa:

Taga-bola: Sa letrang "N"
-sa puntong ito, isa isa nang mag-re-request ang mga manlalaro ng inaabangan nilang numero-
Player 1: Trenta'y tres!
Player 2: Thirty Nine! Thirty Seven! (namumuro na sa dalawang numero)
Player 3: Fourty!

Taga-bola: "Porti..."
Sa puntong ito, yung Players 1 and 2 na humihiling ng 33 at 39 ay mawawalan na ng pag-asa at si Player 3 na lang ang matiyagang naghihintay ng numero, habang nangingig sa excitement.

Player 3: Fourty!
Tagabola: Porti.. (may suspense pa din)
Player 3: Fourty! (Excited na excited na!)
Tagabola: Porti!
Player 3: Bingo na!
Tagabola: (biglang babanat ng...) Porti Wan!
Malulungot si Player 3 at biglang sisigaw ulit si tagabola.
Tagabola: Bingo!

Ang tagawag ng numero ang siyang kukubra ng naipong pera na may halong ngiti sa kanyang mukha at pang-inis na tingin kay Player 3.

And that folks is what you call suspense build up. :p

PS: Lumipas na naman ang 2013 at wala man lang akong kahit isang blog. Sa totoo lang, sa oras na 'to dapat nagtatrabaho ako dito sa bahay kahit holiday, pero wapakels. Carry pa naman. Naisip ko lang makipagkwentuhan ngayon kasi itong mga kapitbahay naman, may tatlong buwan na ding nag-se-session ng Bingo gabi-gabi. Hindi ko alam kung malilibang pa ba ako o maiinis na. Pag tumagal-tagal pa, baka sila na ang "bumingo" sa akin. Biro lang. :p

2 comments:

Nicole said...

welcome back popoygelo! Namiss ko magbasa ng mga kwento mo. :)

popoygelo said...

Hello ate Nicole. :)

Namiss ko din naman magsulat, kaya lang bihira na lang naman ang mga kwento. Saka isa pa, medyo tamad na ako. haha. :p