Long time!
Hindi ko din sigurado kung bakit hindi na ako nakakapagsulat (or blog). Dati ang sipag ko eh. Ang record high ko nga, 3 posts sa isang araw. Pero ngayon, parang sex life lang ng tumandang lalaki, swerte na lang kung makaisa pa - at ngayon ang maswerteng araw dahil sa muli, nakapagsulat ulit ako. :)
Siguro busy lang talaga ako kaya walang time makipagkwentuhan. O baka naman tinatamad lang talaga ako. Kung anuman ang dahilan, ayaw ko nang pagisipan pa - tinatamad kase ako.
Anong bago?
Naiba na naman ang physical activity na pinagkakaabalahan ko. Kung dati eh badminton, ngayon eh biking naman. Nagkataon din kase na tinatamad na magyaya ng badminton yung dating kalaro ko. Either tinatamad nga siya o hindi niya lang talaga ako niyayaya. Minsan kase nakikita ko siya nagpopost ng mga pictures niya pag naglalaro sila ng badminton ng hindi ako kasama. :( Bakit kaya hindi niya ako sinasama? Naliligo naman ako (kahit labag sa loob ko).
Kung bakit naman ako nauwi sa pagbibisikleta - one time, naisip ko lang, nami-miss kong mag bike. Nag search ako sa sulit ng mga bike. May nakita akong mga mountain bikes na hindi ko naman nagustuhan. Kaya ko naman ipadyak yung mga matataas na bike pero parang natatakot pa din ako. At pakiramdam ko, hindi ko masusulit ang paggamit ng mountain bike kung yun man ang bibilhin ko.
May nakita akong isang bike - color blue and white. Ang presyo, Php. 5,200.00 lang - mas mababa compared sa 15,000.00 - 19,000.00 na presyo ng matinong entry level ng mountain bike. At .. natitiklop. Folding bike. Na-inlove ako agad sa color blue and white na folding bike worth 5,200.00. Kaya dinayo ko ang tindahan nung bike sa may Kamuning area.
Pagkabili ko ng bike, inayos na ito ng mga mekaniko para pwede na masakyan agad. Inayos ang gears at ang breaks at kinabit ang ibang piyesa. Bumili na din ako ng helmet at ng gloves. Presto! Pagka-ayos ng bike, sinakyan ko na agad mula Kamuning hanggang sa bahay namin sa Q.C. at dun na ang simula ng pagbabalik sa pagbibisikleta.
Speaking of bahay sa Q.C., hindi na din pala ako dun nakatira, well partly. Tuwing weekends na lang ako naandun. Pero sa mga araw na may pasok, sa Tayuman na ako umuuwi. May naupahan kaming apartment dun. Mas malapit na ako sa trabaho. Hindi na ako na-le-late (paminsan minsan na lang pag sobrang puyat or kapag tinamad pumasok) at hindi na din ako inaabot ng 2-3 hours na biyahe pauwi. Nagbibisikleta na lang din ako papasok ng ofis at pauwi ng bahay kaya iwas traffic na at may constant excercise pa. Nakakatulong para mapanitili ang aking malusog at makisig na pangangatawan.
Kung bakit naman ako umalis ng Q.C. at lumipat ng Tayuman, wala lang, arte lang. Kunwari independent ako. Isinuko ko ang masarap na lutong bahay araw-araw at packed lunch or breakfast kapalit ng kunwariang pagiging independent. Yun lang ang na-mi-miss ko nung nasa Q.C. ako, araw-araw may baon akong kanin at ulam.
Sa ngayon, ayan lang naman ang mga nangyayari.
Madami akong mga istoryang naiisip na gusto ko sanang i-blog at i-kwento sa inyo kaso nga tinatamad lang talaga ako.
Baka sakaling sa mga susunod na araw, sipagin ulit ako at makakapagkwentuhan na ulit tayo regularly.
Sa ngayon, eto na lang muna - para sa tatlong readers ko:
Merry Christmas and A Happy New Year sa inyo. :)
1 comment:
welcome back gelow! namiss ka namin.
Post a Comment