Imagine this scene
Nahulugan ka ng piso habang nasa kalye. Hindi mo na hinabol 'yung piso kase may pera ka pa naman, at saka, piso lang naman 'yun. Magpapaabala ka pa ba dun?
Tapos kinabukasan, buong 500 pera mo, sakay ka ng jeep. Ang barya mo sais pesos lang. Siyete pesos ang pamasahe mo. Hassle di ba? Kung pinulot mo 'yung piso mo kahapon, edi sana
Sa maniwala ka't sa hindi, ilang beses nang nangyare sa akin ang ganyan. Minsan kahit bente-singko sentimos na binabalewala ko, kakailanganin ko din pala. Nanghihinayang ako sa tuwing nangyayari ang ganito pero ano pang magawa ko? Tulad ng nakasanayan, mabilis kong pagdadaanan ang 5 stages of moving on : denial, anger, depression, bargaining, acceptance. At pagkatapos niyan, makakangiti na ako kahit alam ko na badtrip sa akin 'yung driver kase hindi ako ng bayad ng barya sa umaga.
Pera.
eksakto 'yung pambayad mo at hindi mo na kelangan makipagtalo sa driver na wala ka talagang barya at buong limang daan ang pera mo.
Dun sa dating lugar namin sa blumentrit, may isang matandang babae na maluwag ang kamay pagdating sa pera. Galante. Kapag nanalo ang tinayaan niyang kabayo sa karera, lahat kami ng nakatambay sa tindahan may balato.
“Money is like paper to me that you can just simply throw away.” Sabi niya. Impressed nga ako at nakapag-english siya. Sorry, that’s me being judgemental. (Bakit kaya hindi ko siya tinanong noon kung papel din ba ang turing niya sa mga barya?)
Pera. Noong bata ako nagwawala pa ako at sinisipa ko ‘yung pinto at dinding ng kwarto namin na gawa sa plywood para bigyan lang ako ng piso o dalawampiso ng nanay ko. Minsan nagtatagumpay ako at nagkakabarya, pero madalas minamalas dahil hanger o di kaya’y sinturan na winawasiwas at pinapampalo ang binibigay saken. Sakit!
Ngayon may regular akong trabaho, regular ang sweldo ko. Regular ang dating ng pera. Pero isa sa mga malaking problema ko eh budgeting. Binabase ko ang gastos ko sa isang araw hindi sa kung ano lang ang kelangan ko, kundi kung magkano pa ang pera ko. Halimbawa, medyo gutom ako at malapit na ang uwian, pero marami pa akong sobrang pera, bibili ako ng meryenda bago umuwi. O kaya dadaan ako sa bookstore para bumili ng travel magazine.
Nitong mga huling buwan, ang laki ng nagiging gastos ko. Tanghali na kase ako nagigising kaya hindi na ako nakakapag-almusal sa bahay. Umaalis ako agad at sa opisina na ako bibili at kakain ng almusal. Ang lunch ko, wala akong baong pagkain. Kung ano ang maisipan kong kainin, ‘yun ang bibilhin ko. One time nga, naglakad pa ako papunta sa isang mall malapit sa opisina para sadyain lang ang Burger King at doon mag lunch mag-isa. Sulit naman.
At dahil sa late ako nakakapasok, late na din ako nakakauwi. Hindi ko kayang tiisin ang gutom hanggang makauwi ng bahay kaya may pahabol pa akong meryanda kapag mga alas-singko o ala-sais na ng hapon.
Nasa 350-400 siguro ang nagagastos ko kada araw.
Pero mula nung nakaraang lingo, medyo kinapos ako sa budget. May mga binayaran akong utang. At biniyaran ko din ‘yung doctor ng mga babies ko. Sira kase ‘yung dalawang kamera ko kaya dinala ko sila sa Hidalgo para ipa-ayos.
Ngayon, I’m broke!
Ang naging slogan ko: “Si popoygelo – living on a budget” na pwede mong kantahin at isabay sa chorus ng kantang ‘living on a prayer’. Sige na. wag ka nang mahiya, subukan mo, wala namang makakakita sayo eh. Try mo ding kantahin kung sakto nga.
Ang budget ko sa sarili: 100 a day.
Nagbabaon na ulit ako, pero kanin lang. Sa opisina ako bumibili ng ulam worth 35 pesos. Ang meryenda, bihira na lang, depende kapag may naitabi ako mula sa allowance ko nung mga nakaraang araw.
So far gumagana naman, nakakayanan ko ang pagtitipid. Pero mahirap talaga.
Ilang araw pa bago ang sunod na sweldo, at 800 na lang ang laman ng pitaka ko. Mababawasan pa ito dahil may mga lakad ako ngayong wikend.
Pero hanggang kaya maghigpit ng sinturon, gagawin ko. Ilang araw ng pagtitiis na lang. Iniisip ko ngang ituloy ‘yung 100 peso budget a day kahit sumweldo na ako ulit. Tingnan ko kung kakayanin, baka sakaling makapagtipid na talaga ako this time at makabili na ako ng mansion na may golf course at araneta coliseum. :p
…
‘Yung mga bagay na meron tayo, minsan andaling baliwalain o di kaya’y hindi pagbuhusan ng atensyon. Kase alam naman natin sa sarili na natin na naandyan lang ang mga bagay na yan, abot kamay natin sa oras na kailangan natin.
Pero hindi natin namamalayan na unti-unting nawawala. At kapag wala na talaga at kelangan na kelangan mo, saka natin talaga malalaman kung ano ang halaga nito. Kahit pa ‘yung pisong hinayaan mo lang mahulog at hindi mo hinabol.
At sa taong nag-imbento ng konsepto ng ‘Taking things for granted’ – Pakyu!
No comments:
Post a Comment