Pasado alas-otso na at nasa opisina pa din ako. Parang ganito din kahapon. Maabutan na naman ako ng isang guard na pang-gabi ang shift. Pumasok ako kanina ng 7:52 ng umaga, lampas labindalawang oras na. Para na rin pala akong guwardiya kung tutuusin. Mas guwapo nga lang at mukhang hikain, at least gwapo pa din.
Mga sampung minuto na ang nakalipas ng matapos ko 'yung ginagawa ko. Kung tatanungin mo ako kung bakit ngayon ko lang natapos 'yung ginagawa ko, buong puso kitang sasagutin ng isa pang tanong: "Eh pakelam mo ba?" Hindi. Biro lang. Dahil sa binabasa mo ito, ibig sabihin friends na tayo. At dahil dyan, kelangan mo akong bigyan ng bente pesos - Friendship Fee.
Kapag umaga talaga, mabagal ang paggana ng utak ko. Tinatamad ako kumilos at magtrabaho. kaya sa umaga, parang nagpapanggap lang ako na nagtatrabaho. Pero pagdating ng mga hapon, pagkatapos mananghalian at mag-siesta, dun na ako ganado magisip at magtrabaho. Tulad na lang ngayon. 'Yung mga bagay na dapat kaninang umaga ko pa inumpisahan, ngayon ko lang natapos. Ewan ko ba kung bakit ganun. Para akong nocturnal na professional sa gabi lang pwede at hindi sa umaga. Kahilera ko yata 'yung iba pang mga professional na pang-gabi lang din tulad ng Call Center Agents, bouncer, mga gwardya, mga politikong nasa casinoat mga prosti.
Itong ginagawa ko sa opisina ngayon, hindi ito overtime, instead, ito ay overstaying. Hindi nila ako binabayaran sa sobrang oras ko. Pero pwede nila akong habulin at singilin para sa patuloy na paggamit ng computer at kuryente nila kahit wala naman akong mahalagang ginagawa - tulad ng pagsusulat ng blog na ito. Kaya wag ka maingay sa kanila. Kapag hindi na ako ulit nakapagpost pagkatapos neto. Ibig sabihin nahuli ako at natanggal na sa trabaho.
Pauwi na dapat ako kaso kung susundutin ka nga naman ng malas sa ilong, ibabaon pa hanggang sa loob hanggang maabot ang utak. Inabot ako ng malakas na ulan. Hinihintay ko pa itong humina bago ako umuwi. Ang mahirap kase sa aming mga lalake, tamad kami magdala ng payong. Pero masipag naman kami (ay sila lang pala, hindi ako kasama) magdala ng mga magaganda/cute/maporma/pekeng handbag ng mga gelprens.
Ayan na. Mahina na yata ang ulan. Magliligpit na ako ng makauwi na at makapagpahinga. Sa susunod na lang ulet.
Mga sampung minuto na ang nakalipas ng matapos ko 'yung ginagawa ko. Kung tatanungin mo ako kung bakit ngayon ko lang natapos 'yung ginagawa ko, buong puso kitang sasagutin ng isa pang tanong: "Eh pakelam mo ba?" Hindi. Biro lang. Dahil sa binabasa mo ito, ibig sabihin friends na tayo. At dahil dyan, kelangan mo akong bigyan ng bente pesos - Friendship Fee.
Kapag umaga talaga, mabagal ang paggana ng utak ko. Tinatamad ako kumilos at magtrabaho. kaya sa umaga, parang nagpapanggap lang ako na nagtatrabaho. Pero pagdating ng mga hapon, pagkatapos mananghalian at mag-siesta, dun na ako ganado magisip at magtrabaho. Tulad na lang ngayon. 'Yung mga bagay na dapat kaninang umaga ko pa inumpisahan, ngayon ko lang natapos. Ewan ko ba kung bakit ganun. Para akong nocturnal na professional sa gabi lang pwede at hindi sa umaga. Kahilera ko yata 'yung iba pang mga professional na pang-gabi lang din tulad ng Call Center Agents, bouncer, mga gwardya, mga politikong nasa casino
Itong ginagawa ko sa opisina ngayon, hindi ito overtime, instead, ito ay overstaying. Hindi nila ako binabayaran sa sobrang oras ko. Pero pwede nila akong habulin at singilin para sa patuloy na paggamit ng computer at kuryente nila kahit wala naman akong mahalagang ginagawa - tulad ng pagsusulat ng blog na ito. Kaya wag ka maingay sa kanila. Kapag hindi na ako ulit nakapagpost pagkatapos neto. Ibig sabihin nahuli ako at natanggal na sa trabaho.
Pauwi na dapat ako kaso kung susundutin ka nga naman ng malas sa ilong, ibabaon pa hanggang sa loob hanggang maabot ang utak. Inabot ako ng malakas na ulan. Hinihintay ko pa itong humina bago ako umuwi. Ang mahirap kase sa aming mga lalake, tamad kami magdala ng payong. Pero masipag naman kami (ay sila lang pala, hindi ako kasama) magdala ng mga magaganda/cute/maporma/pekeng handbag ng mga gelprens.
Ayan na. Mahina na yata ang ulan. Magliligpit na ako ng makauwi na at makapagpahinga. Sa susunod na lang ulet.
No comments:
Post a Comment