Oh My Gulay!
Hindi ko maalala kung ano 'yung kauna-unahang gulay na kinain ko nung bata pa ako. Siguro kalabasa yun. Mula nung bata pa kase ako, ayaw ko na talaga sa mga gulay. Choosy kase ako eh, kung makakakain naman ako ng isda, manok, baboy o baka, bakit ko pa pipiliin kumain ng gulay? Mas gugustuhin ko pa nga mag-ulam ng isang pakete ng Ovaltine o Milo kesa mag-ulam ng gulay. Ibubuhos mo lang 'yung Ovaltine o Milo sa bagong saing na kanin, solb ka na.
Noon, kalabasa lang talaga ang gulay na kaya kong tiisin na kainin. Hanggang ngayon, gusto ko pa din ang kalabasa, isa sa mga paborito kong gulay.
Unti-unti, habang tumatagal, natuto na din ako kumain ng ibang gulay bukod sa kalabasa. Sunod na nagustuhan ko na gulay eh sitaw.
Sunod, nasubukan ko kumain nung mga gulay na nasa pancit tulad ng repolyo, kerots (carrots), baguio beans. Paano ba naman kase, duon sa kinalikahan ko na lugar kapag may mga birthday celebration, laging nasa lamesa ang pancit. Dati sine-segregate ko pa 'yun - hinihiwalay ko 'yung mga gulay sa mga bihon, tapos yung bihon lang ang kakainin ko. 'Yung gulay, maiiwan na lang sa plato ko. Pero pag gutom na gutom ka na, hindi na uso yung pag-segregate pa ng bihon at gulay. Talo talo na. Diretso kain na.
Kadyos at langka, isa din sa mga paborito kong gulay combo.
Alam mo ba 'yung kadyos? 'Yun 'yung parang kulay itim na beans na maliliit. Madalas 'yun niluluto sa bahay dati kasabay ng pata ng baboy saka langka. 'Yung kadyos kapag sinahog mo sa ulam, nagiging kulay itim ang sabaw. Sabi nung ilang kamag-anak ko, pinaglihi daw ako ng nanay ko sa kadyos kaya maitin ang kulay ng balat ko. Minsan tong mga lihi lihi na to nakakaloko din eh. 'Yung iba naman sabi sa adobong pusit daw ako pinaglihi. 'Yung iba, sabi sakape naman daw ako pinaglihi. Hindi ko alam kung inuuto lang talaga nila ako o kung inaasar na nila ako eh.
Talong.
Mga ilang taon pa lang ang nakakalipas mula nung natuto akong kumain nang talong (okay, bawal muna ang 'green' thoughts ha, wholesome na usapan muna). Nung panahon na yun, tortang talong ang kinain ko. At mula nuon, hindi ako kumakain ng talong kung hindi torta ang luto. Pero minsan nangyare sa akin na umorder ako ng kare-kare. Ubos na 'yung karne saka ibang sahog ng ulam ko, talong na lang ang naiwan. Dahil sa gutom pa ako, pinilit ko na din kainin 'yung dalawang slice ng talong na nakasahog sa kare-kare na ulam ko. Talk about desperation. Pero okay naman pala ang lasa. Pwede nang pagtyagaan kung no choice na talaga.
Tapos nadagdag na sa listahan ng mga kinakain kong gulay ang okra at patatas. Pati sayote nakakain ko na paminsan-minsan. Tapos sa mga buffet, nagagawa ko na din kumain ngayon ng salad: lettuce, makatis at pipino tapos may thousand island dressing. May mga bagay talaga na masarap pag dressed - tulad ng salad at manok.
Pero may mga bagay din na masarap kapag 'undressed' tulad ng ... tulad ng... tulad ng... Okay fine! Wala akong maisip na example.
Through the years, nagmature na din ang panlasa ko sa mga pagkain. Kahit mga gulay nagagawa ko nang kainin ng kusa at hindi sapilitan.
Pero kahit anong pag-ma-mature pa ang mangyari sa panlasa ko, hinding hindi pa din ako kakain ng papaya. Kase nakakabawas daw 'yun ng ... oops, di ko pala pwedeng sabihin. Sabi ko kanina wholesome ang usapan na to. :)
Sh*t Happens - Edited
I wonder, ilan na kayang bloggers ang may blog na ganito ang title: Sh*t Happens.
Kung ilan man sila, pwes makikisama na ako sa istatistika.
Ang kwento:
Maaga ako gumising at naligo. Pagkatapos maligo, nagplantsa agad ako ng polo at ng pantalon na gagamitin ko sa opisina. Sa sobrang pagod ko kase pag-uwi, 'yung reserba kong energy eh para na lang sa pagkain, paghugas ng pinggan at panunood ng TV. Hindi ko na nagagawa magplantsa pa ng mga isusuot ko para sa pagpasok sa opisina kinabukasan.
Pagkatapos ko magplantsa, nag-almusal na ako, uminom ng gamot. Sa ngayon, dalawang gamot ang iniinom ko araw-araw. 'Yung una eh Sodium Ascorbate, Vitamin-C siya na pwedeng pang-replace sa Ascorbic Acid. Medyo bawal na kase sa akin ang Ascorbic Acid dahil sa 'yung hinayupak ko na sikmura eh sobra na kung maglabas ng asido. Pangalawang gamot ko eh 'yung Esomeprazole – Anti Ulcer daw ito. Muli, ang dahilan ng pag-inom ko neto eh dahil sa hinayupak ko na sikmura na sobra maglabas ng asido.
Pagkatapos kumain at uminom ng mga gamot, nag toothbrush pa ako (na minsan eh hindi ko na ginagawa kapag kapos na talaga sa oras - ganun talaga, kadiri kung kadiri pero wala munang basagan ng trip). In my defense, nagto-toothbrush naman ako (kapag di ko nakalimutan) pagkatapos ko mag breakfast sa opisina.
Bago tuluyang umalis ng bahay, nag-check pa ako lahat ng gamit sa bag ko.
-packed lunch
-extra jacket
-Sennheiser Headset (nagyayabang ba ako o nagpa-plug?)
Necessity 'yung headset kase panglabang sa kabagutan 'yun. Gamit ko 'yun pag nakikinig ng music at kapag pasimple akong nanunuod sa PC ko ng mga U.S. Series. Again, in my defense (parang ang sarap gamitin tong phrase na to, parang abogago este abogado ang dating), ginagawa ko lang talaga 'yun kapag wala na talaga akong magawa.
Okay na ang lahat. Nung sa tingin ko kumpleto na 'yung gamit sa loob ng bag ko. Ilang hakbang pa lang palabas, naalala ko naiwan ko pala 'yung celfone ko kaya bumalik ako. Nung makuha ko 'yung celfone, lumabas na ako ng bahay.
Sumakay ako ng tricycle mula sa subdivision namin papunta sa palengke kung saan naandun 'yung pila ng FX at taxi. Sumakay ako ng taxi papasok kasama ang tatlo pang pasahero na nakapila. Ganito kase ang sistema sa amin, pag wala nang FX, pumapara na kami ng taxi at dun kame sumasakay. 4 na pasahero kada taxi, 75.00 ang bayad kada isa. Sa biyahe, umidlip ako sandali, nung magising ako, nasa Cubao na kami, kaya lang sa ibabaw at hindi ilalim. Buong lakas ng loob ko minura 'yung taxi driver namin at pinapagalitan siya kung bakit sa Cubao Ibabaw siya dumaan. Natraffic tuloy kami at baka ma-late pa ako. Disclaimer: 'Yung eksenang pagmura sa taxi driver at pinapagalitan ko siya, sa isip ko lang 'yun lahat nangyari. Good boy pa naman ako.
Nung makalampas ng Guadalupe, nagumpisa nang magbayad 'yung mga kasama ko. Ako naman, umayos na ako ng upo at saka sinimulan kong kapa-kapain 'yung wallet ko.
Kapa sa bulsa ng pantalon – wala!
Kapa sa bulsa ng bag – wala!
Kapa sa loob mismo ng bag – wala!
May pambayad ako sa taxi? Mukhang wala!
P*tang I*a! Naiwan ko 'yung wallet ko. Kinabahan na ako, kase akala ko wala akong pambayad sa taxi. Naisip ko, baka mamaya ibaba ako ni manong driver sa kung saan dahil sa wala akong pambayad. O kaya baka pag-car-wash-in niya ako ng taxi niya. (di ba sa restaurant pag walang pambayad - hugas pinggan. Sa taxi, pag walang pambayad - hugas taxi). Isipin mo na lang pag lalake ka, tapos nagpatuli ka at wala ka palang pambayad, ano na lang kaya ang huhugasan mo?
Balik sa kwento.
Buti na lang pala nailagay ko sa pantalon ko 'yung coin purse ko. Kapag may mga barya ako, dun ko na sa coin purse ko nilalagay (malamang!). Kakasiksik ng barya sa coin purse, madami na din akong naipon.
Limang piraso ng sampung pisong barya = 50.00
Labing anim na piraso ng limang pisong barya = 80.00
Labing isang piraso ng tig-pi-piso = 11.00
Anim na tig-be-bente singko sentimos = 1.50
At dalawang tig diyes sentimos = .10
Ang barya ko lahat, umabot ng 142.70 pesos.
Nagbayad ako sa tricycle kanina ng 8.00. Pagkatapos nagbayad ako sa taxi driver ng 75.00 pesos. Ngayon, ang natira na lang sa pera ko eh 59.70. Kasama na dyan 'yung tig-bebente-singko at tig-di-diyes ko na barya. Kakaumpisa pa lang ng araw ko sa opisina at 59.70 na lang pera ko. Iniisip ko kung paano pa ito magkakasya sa buong araw na pasok sa opisina. Buti na lang kamo at naisipan kong magbaon ng pananghalian kahit hotdog at itlog lang ang ulam ko.
Pagkatapos ko naman mananghalian, pumunta ako ng Mini Stop para bumili ice cream (dahil gusto ko mag-dessert) at bumili na rin ng tissue (dahil kailangan ko rin mag you know...)
Ice cream = 11.00
Tissue = 12.00
Total = 23.00
Ang natitira na lang sa pera ko 36.70 pesos. Kailangan ko pa itong pagkasyahin para sa: (1) meryenda (dahil hindi ako pwede malipasan ng gutom). (2) Pambili ng MRT Card worth 14 .00 at (3) Pamasahe sa jeep worth 11.00
Nung hapon, bago umuwi, dahil sa gutom na ako, bumili ako ng maliliit na cheese bread sa Mini Stop sa halagang 21.00. Ang pera ko na lang, tumataginting na 15.70.
Habang naglalakad papunta ng Ayala MRT Station, kinakain ko 'yung dose pirasong maliliit na cheese bread na binili ko for 21.00. Bale lumalabas na 1.75 kada piraso. Ang mahal para sa isang munting tinapay na kayang-kayang ubusin ng isang bata sa isang subuan lang.
Saktong nasa Ayala MRT Station na ako at ubos na ang cheese bread ko. Bumili ako ng MRT Card na nagkakahalagang 14.00. Ang pera ko na lang, 1.70. Paano pa ako magbabayad sa jeep pauwi? Mag 1-2-3 kaya ako sa jeep tulad ng ginagawa ko dati nung elementary at high school pa ako? Hindi din uubra, kase sa terminal ako sumasakay. Kinokolekta na ang bayad bago pa man umalis yung jeep.
So ang tanong ulet: “Paano pa ako magbabayad sa jeep pauwi?”
Ang solusyon: Call-A-Friend!
Bago pa man ako umuwi, kinausap ko na yung isang kaibigan ko na madalas ko nakakasabay umuwi. Sinabe ko na sasabay ako ulet sa kanya pauwi. Nagkita kami sa MRT Station. Sumakay at nakipagsiksikan sa loob ng tren at bumaba ng North Avenue Station.
Pagdating sa terminal, nagpalibre na ako ng pamasahe sa kasama ko, at maya maya lang, nakauwi na ako.
Pagkauwi, hinanap ko agad 'yung wallet ko. Binilang 'yung laman at saka nilagay ko na sa loob ng bag ko para hindi na ulit maiwan.
Ang hirap maging mahirap sa Central Business District ng Makati!
Ngayon, ano ang natutunan ko dito sa insidenteng ito?
Una, laging magiipon ng barya at ilalagay sa coin purse.
Pangalawa, mahal ang maliliit na cheese bread sa Mini Stop.
At pangatlo, sa oras ng kagipitan (figuratively and literally) ang sarap isipin na may kaibigang handang tumulong sayo at handang ilibre ka ng pamasahe sa jeep pauwi. :D

Who would have thought?
Isa sa mga bagay na pwede kong ipagmalaki eh ang pagiging mayaman ko sa melanin. Marami akong naiisip na dahilan kung bakit ako maitim: Una, dahil sa nung bata ako, madalas akong nasa labas ng bahay para maglaro sa ilalim ng mainit at matinding sikat ng araw. Pangalawa, dahil sa dami ng melanin ko sa balat. Pangatlo, dahil sa pinaglihi ako ng mama ko sa adobong pusit at dinuguan. Lahat yan, mga posibleng dahilan kung bakit nasobrahan ako sa pagiging moreno.
May pakinabang din naman 'yung pagkakaroon ng madaming melanin. Napapansin ko noon, nung high school pa ako, mas nagagawa kong magbilad sa ilalim ng araw habang naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi. Ang ibang kasabay ko na nag-aabang, mga nakapayong o di kaya'y nakasilong sa mga lilim para iwasan lang ang ginintuang sikat ng araw. Samantalang ako, taas noo ko iyong sinasagupa.
Kapag nagbi-beach, kadalasan, hindi na ako naglalagay ng mga lotion o sun-block o sun-screen na yan. Hindi din naman yan kilala ng balat ko. Kampante ako na hindi na ako kaya pang paitimin ni haring araw kahit gaano pa katindi ang sikat niya. Mula nung bata ako, wala akong memorya na nagrereklamo ako na masakit at mahapdi ang likod ko dahil sa sunburn. Kaya masasabi ko na ni minsan eh hindi ako nabiktima nung mga kaklase na namamalo sa likod kapag alam nila kagagaling mo lang sa beach.
Kapag nagbi-beach din ako, 'yung ibang kasama ko, pansin na pansin 'yung pagbabago nung kulay ng mga balat nila. Pero ako, kaunti lang o halos walang pinagkaiba. Ganun pa din. Maitim talaga.
Doon ko napagtanto, hindi ako kaya ni Haring Araw. Hindi na niya ako mapapaitim. Hindi niya ako mapaparusahan ng kanyang kapangyarihan na 'Super Sunburn'. 'Yun ang akala ko. Mali pala ako.
Nung sabado, dahil sa naandito 'yung mga pamangkin ko na laking Canada. Naisipan silang ipasyal ng tatay nila sa beach. Nagpunta kami sa Matabungkay. Apat na oras na biyahe mula Q.C. hanggang doon. Mahabang biyahe. Halos mabingi pa ako dahil 'yung nirentahan na jeep eh nahihirapan sa mga pataas na daanan. Kapag napupwersa 'yung makina, lumalakas 'yung ingay na lumalabas sa tambutso. Apat na oras ko din tiniis 'yun.
Nung nakarating na kami sa Matabungkay, agad na silang nagrent ng floating cottage. Sa tingin ko naman alam mo na ang floating cottage. Kung hindi pa, siguro naman kaya mo nang i-picture out 'yun - self-explanatory na yan kaibigan. Pero kung hindi mo pa din talaga alam, Google is your friend, my friend.
Nung madala na sa magandang pwesto 'yung floating cottage na nirentahan namin, sinumulan ko na ding magbabad sa tubig dagat. Maayos naman ang panahon. Medyo maambon tapos makulimlim. Kaso nung tumagal, umaraw na ng pagkatindi-tindi. Binaliwala ko lang 'yun. Nagbabad pa din ako sa tubig. Umaahon lang ako pag kakain na o kaya kapag magpapahinga. Hanggang sa natapos na ang mahabang bakasyon. Mga alas kwatro eh nagumpisa na kaming bumiyahe pauwi.
Sa biyahe pauwi, tiniis ko na naman ang pananakit ng pwet dahil sa apat na oras na biyahe. Tiniis ko din ulit ang sakit ng tenga dahil sa ingay ng tambutso. Pagkauwi, kumain lang ako ng triple decker sandwich at saka natulog na.
Paggising ko kinabukasan, sinalubong ako ng masakit na katawan, mahapding likod at balikat at mapula at nangingitim na mukha. Nabigla ako. Alam ko naman na noon pa maitim na ako pero hindi ko naman akalain na may i-iitim pa pala ako. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko na ganito kaitim. Parang pork tocino na halos masunog na.
Hindi ko din makamot 'yung mukha, balikat at likod ko dahil sa hapdi. Kailangan ko pa magpunas ng face towel na binasa ng malamig na tubig para lang mawala yung hapdi na nararamdaman ng mga balat ko. Bwiset. Tinablan din yata ako ng sunburn.
Siguro, isa na ito sa matibay na patunay ng climate change. Ng global warming. Isang patunay na umiinit na talaga ang mundo. Akalain mo na si Haring Araw eh naisahan ako at nagawa pang sunugin at paitimin ang balat ko na matagal nang maitin.
Haring araw, tinalo mo na ako. Mula ngayon, mag-iingat na ako.
Ano ba magandang brand ng sun block?

Greatest Achievement #1
Dati dun sa kumpanya kung saan ako na-assigned (hindi po bilang isang guwardiya), ang usapan eh papasok ako ng alas-nuwebe ng umaga at uuwi ng alas-sais ng gabi. Araw-araw eh bibiyahe ako mula Tandang Sora hanggang U.N. Avenue. Medyo swerte pa nga kase isang sakay lang ng FX 'yung mula sa palengke namin hanggang sa opisina.
FX - Isa ito sa mabibilis at medyo mura na mode of transportation sa ngayon. Kumportable pa kase pag medyo kulang ka sa tulog at mahaba ang biyahe mo, pwede mong ituloy ang iyong tulog habang bumibiyahe sa FX. Mag-ingat nga lang, dapat alam mo kung kelan dapat gumising: (1) Kapag bababa ka na, (2) Kapag dinudukutan ka na ng katabi mo at (3) Kapag unti-unti nang tumutulo ang layaw mo dahil nakanganga ka matulog - kailangan mo itong punasan bago makita ng iba.
Balik tayo sa kwento ko, nung una nagagawa ko pumasok ng maaga, minsan alas otso y medya ng umaga pa lang nasa opisina na ako. Pero nung minsan na maranasan ko 'yung makarating sa opisina ng late, hindi naman ako pinagalitan so naisip ko okay lang. Hanggang sa nakasanayan ko nang pumasok ng late, mga alas-diyes o alas-diyes y medya ng umaga. Wala namang naging problema sa mga boss ko basta naibibigay ko ang resulta na gusto nila. Buti na lang nga at hindi ako tinanggal sa trabaho. Siguro pinagtyagaan na lang din nila ang madalas ko na pagka-late dahil ayaw nila na mawala pa 'yung kaisa-isang gwapong empleyado nila. Hindi ko sila masisisi, kung yun man ang dahilan nila. :p
Ngayong nandito na ako sa bagong kumpanya na pinagtatrabahuhan ko, nanibago ako nung una. Dahil kung dati okay lang na pumasok ako ng mga alas diyes ng umaga. Ngayon eh kailangan ko pumasok ng alas-otso ng umaga. Nung March nga, nabigyan ako ng 'love letter' o memo galing sa HR. May verbal warning pa na kasama dahil sa limang beses akong na-late nung February. Gusto ko sanang ngitian at kindatan na lang 'yung nagbigay saken nung 'love letter' para ma-abswelto ako sa kaso ko. Kaya lang lalaki din siya eh, so hindi uubra. No choice ako kundi kumamot-ulo na lang at pumirma sa unwanted 'love letter'.
Buti ngayon, medyo sanay na ako pumasok ng maaga. Na-le-late pa rin naman pero wala nang memo o 'love letter'. Sino ba namang lalake kase ang gustong makatanggap ng 'love letter' sa kapwa niya lalake di ba?
07:19AM (hindi ko kase alam kung paano i-ta-translate sa tagalog ang oras na ito kaya in figures ko na lang nilagay) ng dumating ako dito sa opisina kanina. Naisipan ko ayusin 'yung blogsite ko para sipagin ako ulit mag-sulat. Temporarily, I'm back (sana for good na.) Kung dahil sa paggising ng maaga eh medyo nabawasan 'yung oras ko para sa ultimate hobby ko - ang pagtulog. Ngayon naman, para makabawi, susubukan ko nang magbalik loob sa cheapest form of entertainment at palipas oras ko - ang magsulat.
So goodluck to me. :)

Subscribe to:
Posts (Atom)