Sh*t Happens - Edited

I wonder, ilan na kayang bloggers ang may blog na ganito ang title: Sh*t Happens.

Kung ilan man sila, pwes makikisama na ako sa istatistika.

Ang kwento:

Maaga ako gumising at naligo. Pagkatapos maligo, nagplantsa agad ako ng polo at ng pantalon na gagamitin ko sa opisina. Sa sobrang pagod ko kase pag-uwi, 'yung reserba kong energy eh para na lang sa pagkain, paghugas ng pinggan at panunood ng TV. Hindi ko na nagagawa magplantsa pa ng mga isusuot ko para sa pagpasok sa opisina kinabukasan.

Pagkatapos ko magplantsa, nag-almusal na ako, uminom ng gamot. Sa ngayon, dalawang gamot ang iniinom ko araw-araw. 'Yung una eh Sodium Ascorbate, Vitamin-C siya na pwedeng pang-replace sa Ascorbic Acid. Medyo bawal na kase sa akin ang Ascorbic Acid dahil sa 'yung hinayupak ko na sikmura eh sobra na kung maglabas ng asido. Pangalawang gamot ko eh 'yung Esomeprazole – Anti Ulcer daw ito. Muli, ang dahilan ng pag-inom ko neto eh dahil sa hinayupak ko na sikmura na sobra maglabas ng asido.

Pagkatapos kumain at uminom ng mga gamot, nag toothbrush pa ako (na minsan eh hindi ko na ginagawa kapag kapos na talaga sa oras - ganun talaga, kadiri kung kadiri pero wala munang basagan ng trip). In my defense, nagto-toothbrush naman ako (kapag di ko nakalimutan) pagkatapos ko mag breakfast sa opisina.

Bago tuluyang umalis ng bahay, nag-check pa ako lahat ng gamit sa bag ko.
-packed lunch
-extra jacket
-Sennheiser Headset (nagyayabang ba ako o nagpa-plug?)

Necessity 'yung headset kase panglabang sa kabagutan 'yun. Gamit ko 'yun pag nakikinig ng music at kapag pasimple akong nanunuod sa PC ko ng mga U.S. Series. Again, in my defense (parang ang sarap gamitin tong phrase na to, parang abogago este abogado ang dating), ginagawa ko lang talaga 'yun kapag wala na talaga akong magawa.

Okay na ang lahat. Nung sa tingin ko kumpleto na 'yung gamit sa loob ng bag ko. Ilang hakbang pa lang palabas, naalala ko naiwan ko pala 'yung celfone ko kaya bumalik ako. Nung makuha ko 'yung celfone, lumabas na ako ng bahay.

Sumakay ako ng tricycle mula sa subdivision namin papunta sa palengke kung saan naandun 'yung pila ng FX at taxi. Sumakay ako ng taxi papasok kasama ang tatlo pang pasahero na nakapila. Ganito kase ang sistema sa amin, pag wala nang FX, pumapara na kami ng taxi at dun kame sumasakay. 4 na pasahero kada taxi, 75.00 ang bayad kada isa. Sa biyahe, umidlip ako sandali, nung magising ako, nasa Cubao na kami, kaya lang sa ibabaw at hindi ilalim. Buong lakas ng loob ko minura 'yung taxi driver namin at pinapagalitan siya kung bakit sa Cubao Ibabaw siya dumaan. Natraffic tuloy kami at baka ma-late pa ako. Disclaimer: 'Yung eksenang pagmura sa taxi driver at pinapagalitan ko siya, sa isip ko lang 'yun lahat nangyari. Good boy pa naman ako.

Nung makalampas ng Guadalupe, nagumpisa nang magbayad 'yung mga kasama ko. Ako naman, umayos na ako ng upo at saka sinimulan kong kapa-kapain 'yung wallet ko.

Kapa sa bulsa ng pantalon – wala!

Kapa sa bulsa ng bag – wala!

Kapa sa loob mismo ng bag – wala!

May pambayad ako sa taxi? Mukhang wala!

P*tang I*a! Naiwan ko 'yung wallet ko. Kinabahan na ako, kase akala ko wala akong pambayad sa taxi. Naisip ko, baka mamaya ibaba ako ni manong driver sa kung saan dahil sa wala akong pambayad. O kaya baka pag-car-wash-in niya ako ng taxi niya. (di ba sa restaurant pag walang pambayad - hugas pinggan. Sa taxi, pag walang pambayad - hugas taxi). Isipin mo na lang pag lalake ka, tapos nagpatuli ka at wala ka palang pambayad, ano na lang kaya ang huhugasan mo?

Balik sa kwento.

Buti na lang pala nailagay ko sa pantalon ko 'yung coin purse ko. Kapag may mga barya ako, dun ko na sa coin purse ko nilalagay (malamang!). Kakasiksik ng barya sa coin purse, madami na din akong naipon.

Limang piraso ng sampung pisong barya = 50.00

Labing anim na piraso ng limang pisong barya = 80.00

Labing isang piraso ng tig-pi-piso = 11.00

Anim na tig-be-bente singko sentimos = 1.50

At dalawang tig diyes sentimos = .10

Ang barya ko lahat, umabot ng 142.70 pesos.

Nagbayad ako sa tricycle kanina ng 8.00. Pagkatapos nagbayad ako sa taxi driver ng 75.00 pesos. Ngayon, ang natira na lang sa pera ko eh 59.70. Kasama na dyan 'yung tig-bebente-singko at tig-di-diyes ko na barya. Kakaumpisa pa lang ng araw ko sa opisina at 59.70 na lang pera ko. Iniisip ko kung paano pa ito magkakasya sa buong araw na pasok sa opisina. Buti na lang kamo at naisipan kong magbaon ng pananghalian kahit hotdog at itlog lang ang ulam ko.

Pagkatapos ko naman mananghalian, pumunta ako ng Mini Stop para bumili ice cream (dahil gusto ko mag-dessert) at bumili na rin ng tissue (dahil kailangan ko rin mag you know...)

Ice cream = 11.00
Tissue = 12.00
Total = 23.00

Ang natitira na lang sa pera ko 36.70 pesos. Kailangan ko pa itong pagkasyahin para sa: (1) meryenda (dahil hindi ako pwede malipasan ng gutom). (2) Pambili ng MRT Card worth 14 .00 at (3) Pamasahe sa jeep worth 11.00

Nung hapon, bago umuwi, dahil sa gutom na ako, bumili ako ng maliliit na cheese bread sa Mini Stop sa halagang 21.00. Ang pera ko na lang, tumataginting na 15.70.

Habang naglalakad papunta ng Ayala MRT Station, kinakain ko 'yung dose pirasong maliliit na cheese bread na binili ko for 21.00. Bale lumalabas na 1.75 kada piraso. Ang mahal para sa isang munting tinapay na kayang-kayang ubusin ng isang bata sa isang subuan lang.

Saktong nasa Ayala MRT Station na ako at ubos na ang cheese bread ko. Bumili ako ng MRT Card na nagkakahalagang 14.00. Ang pera ko na lang, 1.70. Paano pa ako magbabayad sa jeep pauwi? Mag 1-2-3 kaya ako sa jeep tulad ng ginagawa ko dati nung elementary at high school pa ako? Hindi din uubra, kase sa terminal ako sumasakay. Kinokolekta na ang bayad bago pa man umalis yung jeep.

So ang tanong ulet: “Paano pa ako magbabayad sa jeep pauwi?”

Ang solusyon: Call-A-Friend!

Bago pa man ako umuwi, kinausap ko na yung isang kaibigan ko na madalas ko nakakasabay umuwi. Sinabe ko na sasabay ako ulet sa kanya pauwi. Nagkita kami sa MRT Station. Sumakay at nakipagsiksikan sa loob ng tren at bumaba ng North Avenue Station.

Pagdating sa terminal, nagpalibre na ako ng pamasahe sa kasama ko, at maya maya lang, nakauwi na ako.

Pagkauwi, hinanap ko agad 'yung wallet ko. Binilang 'yung laman at saka nilagay ko na sa loob ng bag ko para hindi na ulit maiwan.

Ang hirap maging mahirap sa Central Business District ng Makati!

Ngayon, ano ang natutunan ko dito sa insidenteng ito?

Una, laging magiipon ng barya at ilalagay sa coin purse.

Pangalawa, mahal ang maliliit na cheese bread sa Mini Stop.

At pangatlo, sa oras ng kagipitan (figuratively and literally) ang sarap isipin na may kaibigang handang tumulong sayo at handang ilibre ka ng pamasahe sa jeep pauwi. :D

No comments: