Guess What..

Natawa.

Nakinig.

Nainis (ng kaunti).

Nakinig.

Nainis.

Nainis.

Nainis.

At lalong nainis.

Nainip.

Dumiretso ka na lang kaya sa boto mo, "Guilty or Acquital"?

Eto ang reaksyon ko nung si Leon Guerrero na ang nagsasalita tungkol sa impeachment ni CJ Corona.

Just a Quick One

Nasa opisina ako ngayon at ang daming kailangang gawin.

Gusto kong sumigaw ng DARNA!

Ay mali! "Give Me A Break" pala ang gusto kong isigaw para tantanan na nila ako.

Pero sabagay, okay na din na "DARNA". Baka sakaling pag superhero na ako, mas matapos ko yung mga dapat kong gawin.

Teka, sa dami ng superhero, bakit DARNA pa? Hmm... Ang fishy!

A Happy Ending for A Happy Trip

May 18, 2012. Biyahe namin papuntang Tuguegarao. Alas otso ng umaga ang flight, pero wala pang alas sais ng umaga, nasa airport na ako. Paano ba naman kase, yung hindi natapos na trabaho sa opisina, iniuwi ko pa sa bahay para lang tapusin. (Buti na lang hindi ako embalsamador, kundi, mag-uuwi ako ng patay sa bahay). Awa ng Diyos, natapos naman 'yung 'unfinished business' ko, pero alas-dos na ng madaling araw.

Alas-kwatro na ng umaga pero hindi pa din ako nakakatulog. Another insomnia episode na naman. Natatakot kase ako maiwan ng flight namin kaya naisip ko na lang maligo kahit puyat at saka dumiretso na ako sa airport.

Habang naghihintay sa mga kasama ko, nakatambay na ako sa may check-in area (hindi ng SOGO) ng Airphil Express. Madaming familiar faces akong nakikita na dumadaan. Mga miyembro ng mga bandang Urban Dub, Parokya ni Edgar, Franco at Kamikazee. Gusto ko nga sana magpa-picture sa kanila, kaso wala pa akong kasama na kukuha ng litrato ko with the celebrities. Sayang.

Sa boarding area, nakita ko ulit 'yung mga banda, and this time, buo na yung members ng Parokya ni Edgar, kasama si Chito Miranda. Buo na din ang Kamikazee, kasama ang vocalist na si Jay Contreras. kaso, hindi pa din ako nakapag-pa-picture, nahiya na kase ako.

Natapos ang lakwatsa sa Tuguegarao, bumiyahe na kami pabalik ng Maynila.

Sa flight pabalik ng Manila, nakasabay namin sila Maui Taylor at Katya Santos at ayun - nabuhay ang "dugong lalaki" na nananalaytay sa mga ugat ko. Sabi ko gusto ko magpa-picture kasama sila. Sinong lalake ba naman ang hindi gugustuhin na magpapicture with Maui Taylor and Katya Santos? Di ba? Di ba? Di ba?

Pagkalapag sa NAIA Terminal 3, habang naghihintay ng mga bagahe namin dun sa belt na umiikot-ikot, nakita ko na naman "sila". This time, inipon ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako, mga 2% at itinapon ko na ang "hiya."

Miss Katya, Miss Maui, pwede po bang magpa-picture?

Katya and Maui: Sure! Sabay bitaw ng isang ngiti na tuluyan nang nagpalambot sa mga tuhod ko. (exag!)

Tinawag ko 'yung kasama ko tapos nagpa-picture, at MASAYA na ako. :D

Salamat Dexter para sa pagkuha ng picture na ito. :)

Just for fun, iisip ako ng top ten captions para sa picture na ito.

10. Hindi ito photoshopped.

09. Ang pulubi at ang mga prinsesa.

08. Ako na! ... ang makapal ang mukha!

07. Ako na! ... ang pogi!

06. Napakanta ako ng "ang bango bango ng bulaklak..." (eto 'yung ginamit ko na caption sa FB)

05. Maui Taylor and Katya Santos with John Lloyd.

04. Maui Taylor and Katya Santos with the Nazareno.

03. Maui Taylor and Katya Santos with Popoygelo.

02. Ang laban dito, palakihan ... ng Smile. :)

at ang top 1

01. Hindi lang "THUMBS" ang naka "UP". :D

The Scavengers

Birthday nung isang katrabaho ko nung nakaraang Linggo, May 20.

Kahapon, nagkaroon ng surprise na handaan para sa kanya dito sa opisina. Nasorpresa naman daw siya, maluluha at muntik pang tumulo ang sipon dahil sa tuwa.

Nung nag-uwian na lahat, iilan na lang kaming naiwan. Tapos nakita ko, madami pang pansit at puto na natira dun sa mga nakahanda. Inilabas nung boss ko yung pansit para ibigay sa gwardiya. At nilagay ko naman sa plastic 'yung puto tapos ipinuslit ko na.

Pag may mga tira talaga sa mga handaan, ako ang scavenger na nag-uuwi ng mga tira.

Kaya lang nung nakalabas na ako ng ofis, may nakita akong pamilyang namumulot ng plastic bottles. Kinuha ko yung puto sa bag ko tapos binalato ko na sa kanila. Kunwari mabait ako. Sabi nga nila, yung binibigay mo sa iba, mas malaki ang bumabalik.

True Enough.

Nitong araw na ito, andaming pagkaing dumadating na lang dito sa amin. Mula snacks, lunch at snacks ulit.

Parang mga patabaing baboy lang, hahagisan na lang ng pagkain tapos ngangasab na lang ng ngangasab. :p

That's What They Said

So sabi ng mga iilang ka-opisina ko, "Flirt" daw ako.

Langya. Sa ganitong itsura ko ba naman kaya ko pang mag-flirt?

Parang kakagat lang sa mga paglalandi ko eh mga bading na desperado.

Saka isa pa, One-Woman-Man ako.

Isang babae sa loob ng isant katawan ng lalake.

Etchos!

Never Too Tired For Kindness

Halos anim na oras din akong nasa meeting kanina.

Pagod na ang tenga ko kakapanig sa sinasabi ng lahat.

Pagod na ang utak ko kakasubok na intindihin ang lahat.

Ang pambawi lang kanina, may libreng meryenda na Pizza at Lasagna. Pasalamat sila paborito ko ang lasagna, kaya't kahit nakatagal pa ako sa nakakapagod na meeting na 'yun.

Pagkatapos ng meeting, nag-email lang ako sa boss ko at nagligpit na ng gamit.

Uwian na.

Sa isang tren ko, nagawa kong makaupo. Nakikinig ng mga lumang kanta mula sa lumang celfone na naka-tune-in ang FM sa lumang radio station.

Pagkalampas sa ilang istasyon, may sumakay na buntis.

Kinalimutan ang pagod ng utak at ng katawan.

Tumayo agad ako at kinalabit si ateng buntis para paupuin siya dun sa upuan ko.

At sa natitirang biyahe, nagtiyaga na lang akong tumayo.

And that's how you become a gentleman - Like a boss!

PS: Habang nakatayo, nakikita ko ang reflection ko sa bintana ng tren. Di ko mapigilang mapangiti. Kase pakiramdam ko, dahil sa good deed na nagawa ko, nadagdagan ang pogi points ko ng over 9000.

Ako na ang gwapong gwapo sa sarili.

I'm Not An Ass, Not Yet a Poet

Paalam opisina,
Halos buong araw na din tayong nagsama.
Kahit pa kanina'y
Hindi ako nakapasok ng maaga.

Buti na lang,
Hindi Choco ang aking pangalan.
Kung ako'y ma-late,
Ako'y tatawaging Chocolate

Ang langit na kanina'y madilaw
Dahil sa matinding sikat mo o araw.
Nang aking muling silipin,
Parang ngipin na hindi na-toothbrush - nangingitim.

Gabi ay dumating na pala,
Sa aki'y wala man nagbabala.
Gamit ay aking iniligpit,
At umasang sa tren, nawa'y hindi maipit.

Ay umuulan! Wah!
Bakit ngayon pa?
Eh oras na ng uwian!
Ako ba ay pinagti-tripan?

Buti na lang, si ka-team ay may payong.
At ako ay hinayaang makisilong.
Hindi nabasa ang aking ilong,
Habang sa bangketa, kami ay nakatungtong.

Istasyon, tren, mall at walkway
Ito ang mga nagpabuo ng aking day.
Dahil sila ay may bubong.
Hindi ako nabasa, kahit pa ulan at hangin ay nagtulong.

Sa biyahe, ako ay nakaramdam ng gutom.
Lahat ay aking kakainin, kahit pa PomPoms.
'Yung Pompoms na chichirya,
Hindi yung gamit nung mga babaeng ini-itcha.

Sa terminal ng jeep, ako ay nag-pause.
At sa tindahan ng pagkain, ako ay nag pose.
Umorder ng hotdog sandwich, ketchup at mayo ang sauce.
Sa busog ako'y napa-Ho Ho Ho parang si Santa Claus?

Dumating na ang jeep.
Ni hindi ko narinig na nag beep beep.
Sa likod, ako ay sumakay,
O butihing sasakyan, take me to my bahay.

Habang pauwi,
Ako ay nagkaoras mag-muni-muni.
Ako ay gagawa ng blog.
Sa porma ng tulang makabagbag.

Pasado alas-dose na naman.
O insomya, ako muna'y iyong iwanan.
Pagkatapos ko itong ma-post.
Ako ay matutulog, dahil hindi naman ako midnight show host.

Ito na ang huling stanza.
Teka, bakit stanza, hindi naman ito kanta?
Di bale't hahaayaan ko na, 
Nawa'y sa aking rhyming, ikaw ay natuwa.