Paalam opisina,
Halos buong araw na din tayong nagsama.
Kahit pa kanina'y
Hindi ako nakapasok ng maaga.
Buti na lang,
Hindi Choco ang aking pangalan.
Kung ako'y ma-late,
Ako'y tatawaging Chocolate
Ang langit na kanina'y madilaw
Dahil sa matinding sikat mo o araw.
Nang aking muling silipin,
Parang ngipin na hindi na-toothbrush - nangingitim.
Gabi ay dumating na pala,
Sa aki'y wala man nagbabala.
Gamit ay aking iniligpit,
At umasang sa tren, nawa'y hindi maipit.
Ay umuulan! Wah!
Bakit ngayon pa?
Eh oras na ng uwian!
Ako ba ay pinagti-tripan?
Buti na lang, si ka-team ay may payong.
At ako ay hinayaang makisilong.
Hindi nabasa ang aking ilong,
Habang sa bangketa, kami ay nakatungtong.
Istasyon, tren, mall at walkway
Ito ang mga nagpabuo ng aking day.
Dahil sila ay may bubong.
Hindi ako nabasa, kahit pa ulan at hangin ay nagtulong.
Sa biyahe, ako ay nakaramdam ng gutom.
Lahat ay aking kakainin, kahit pa PomPoms.
'Yung Pompoms na chichirya,
Hindi yung gamit nung mga babaeng ini-itcha.
Sa terminal ng jeep, ako ay nag-pause.
At sa tindahan ng pagkain, ako ay nag pose.
Umorder ng hotdog sandwich, ketchup at mayo ang sauce.
Sa busog ako'y napa-Ho Ho Ho parang si Santa Claus?
Dumating na ang jeep.
Ni hindi ko narinig na nag beep beep.
Sa likod, ako ay sumakay,
O butihing sasakyan, take me to my bahay.
Habang pauwi,
Ako ay nagkaoras mag-muni-muni.
Ako ay gagawa ng blog.
Sa porma ng tulang makabagbag.
Pasado alas-dose na naman.
O insomya, ako muna'y iyong iwanan.
Pagkatapos ko itong ma-post.
Ako ay matutulog, dahil hindi naman ako midnight show host.
Ito na ang huling stanza.
Teka, bakit stanza, hindi naman ito kanta?
Di bale't hahaayaan ko na,
Nawa'y sa aking rhyming, ikaw ay natuwa.
3 comments:
nice.. :)
Dear Anonymous,
I-a-assume ko na 'yung "Nice" na yan eh para sa post ko at para sa looks ko.
Nagmamahal,
popoygelo
Post a Comment