Member ako nung isang film photography organization before. And during my stay there, nagawa kong makasali sa ilang events na meron sila.
Una, sumama ako sa kanila sa LaMesa Eco Park para mag-photowalk. Naglibot-libot kame, dala ang mga camera namin para mag-kodakan or to use the more modern term - para mag "picture picture."
Pangalawa, sumali ako sa isang event na mala-amazing race. Group play ito. Bawat grupo, may tatlong members at may dalang isang camera. Sa buong araw, magiikot kame sa Metro Manila para kumuha ng mga larawan na ang theme eh "Heroes". Araw ng Kalayaan noon kaya ganun ang theme. Mula Cubao, nakarating kame ng Manila City Hall hanggang Pasay City para mag-shoot. At sa katapus-tapusan, talo ang grupo namin. Pero okay lang, naging masaya naman ang laban.
At pangatlo, yung "Unsent", isa itong iniative to somehow help the postal industry in the country. Maraming sumali dito. Ang objective lang ng event eh mag-print ng tatlong original photos na ikaw ang kumuha. Tapos lalagyan mo ng mensahe, parang postcard. Kahit ano, ikaw ang bahala. Tapos, yung mga nagawa mo nang postcard, eh ipapadala mo sa address na binigay nung Admin. Sila ang tatanggap ng lahat ng entries, iipunin at saka ipapaskil sa exhibit.
Hindi ako nakapunta nung event, pero yung isa sa mga contact ko sa multiply, naka-attend siya, and it so happened na nakuhaan niya 'yung isa sa mga postcard na gawa ko. Ako na ang sikat and secretly proud. Hihi. :)
< picture galing sa multiply account ni Hanna. Salamat. :) >
Medyo ma-emo nga lang 'yung message ko. Kung bakit ganyan, hindi ko na maalala. Tapos nakakadiri pa kase ang pangit nung hand writing ko. Pero okay lang, at least pag nakikita ko ito, pakiramdam ko, personal na personal ang dating.
Ang mas memorable sa event na ito eh yung mismong pagpunta sa Manila Post Office para maghulog ng sulat. Pumunta ako sa isang maliit na 'window' at bumili nung stamp o selyo at saka inihulog ang sulat dun sa classic na "mail box" nila.
Sakto naman, kanina, nung nanonood ako ng iWitness, tungkol din sa postal service ang istorya.
Medyo mahina na din ang postal industry sa bansa. Ang kalaban mo ba naman eh E-mails at SMS/MMS, sino pa gagamit ng "Snail Mail"? Kaunti na lang panigurado.
Somehow, nakakabawi pa naman daw ang kumpanya ng mga kartero, these past few years, kahit papaano eh kumikita na ang PhilPost - isang sangay ng gobyerno na nangangasiwa sa mga liham na pinapadala at pinapaikot sa loob ng bansa.
Hindi pa din ito sapat - sabi sa tsismis, 'yung magandang building ng Post Office sa Maynila, bibilhin ng isang international firm para gawing Hotel o isang University.
Paano na ang mga sulat?
Kaya bilang kaunting tulong, gusto ko sanang aayain 'yung isang kaibigan kong blogger din na magpasimula din ng isang "Snail Mail Sending" event.
Ang gagawin lang naman eh mangongolekta ng mga addresses online (either residence or office address) mula sa lahat ng sasali. Tapos, lahat ng kasali, eh gagawa din ng 3 postcards. Yung 3 postcards eh ipapadala sa tatlong tao mula dun sa listahan nung mga kasali din. So para lang tayong nagpadala ng mga postcards sa isa't isa. 'Yung pagpili sa kung sino ang padadalhan mo, siyempre idadaan sa raffle nung mga Admin or kung sino man ang mangangasiwa nitong event na ito.
Magiging masaya naman siguro ito di ba Nicole?
At isa pa, tingin ko, bawat isa sa atin, dapat kahit papaano eh maranasang maghulog ng sulat sa Post Office kahit minsan.
Enjoyin mo ang pagbili ng stamp o selyo. Pati na din ang pagdila at pagdikit nito sa postcards mo.
Tip: Kung ayaw mong dilaan ang selyo, meron silang maliit na lalagyan ng tubig, basain mo na lang ang selyo gamit yun saka mo idikit. :)
2 comments:
Gusto ko yan!!! :D
Edi tara! Gawin na natin. Sana lang madami din sumali. :)
Post a Comment