Nakikinig ako ng FM Radio gamit ang celfone ko. Eto ang ginawa kong libangan habang nasa biyahe pauwi. Matagal tagal din ang bibiyahihin ko - 3 Tren at isang jeep ang dapat sakyan - kulang kulang dalawang oras bago makauwi sa aming munting tahanan. Kaya ayun. yung FM Radio sa celfone ko ang aking napagdiskitahan.
Sa Magic89.9 ako nakikinig na station. Lunes kase - Manyak Monday sa Boy's Night Out, tapos andun pa si Ramon Bautista (Master!), eto na lang yung pinapakinggan ko na Radio Show pag gabi (kapag naaalala ko at hindi nawawala sa mapurol kong kokote).
As usual, mga usapang lalake pa din ang meron, usapang nakakatawa. Napag-usapan kung paano ang tamang paraan ng pagpahid ng lotion sa mga babae sa Boracay. At kung paano mag-landi kapag nagpapahid ng lotion sa likod ng mga babae sa Boracay. Hindi ko mapigilang mapangisi habang nasa tren. Malamang, merong isa sa mga pasahero na na-weirdohan sa akin nung nakita niya akong biglang ngumingiti, hindi niya lang ako pinansin kase siguro, nai-intimidate siya masyado sa kagwapuhan ko. Oh well, hindi ko siya masisisi.
Ang nagulat lang ako kanina, meron silang bagong segment na "Love Lines", parang love stories sharing on-air tapos bibigyan ka nila ng payo. Medyo trip ko din naman yung mga ganitong kwentuhan kaya, pinakinggan ko na din.
Isa sa mga istorya, na bibigyan natin ng title na "Story #1":
Bawal na pag-ibig daw - isang lalake na may karelasyon na isang babae from a Chinese family. Eh alam mo naman tong mga singkit. Ang kay Juan, para kay Juan. Ang kay Ma Mon Luk, para kay Ma Mon Luk. Simply put, ang Chinese ay para sa Chinese. 2 years na din magkarelasyon yung lalake at babae kahit hindi aprubado nung pamilyang singkit nung babae.
So ang problema ng lalaki, hindi ko na maalala eksakto, pero parang ganito (kung mali man ako, pagpasensyahan niyo na, itama niyo na lang tapos batukan niyo ako online) - Okay pa ba na ipagpatuloy niya 'yung relasyon nila kahit alam niyang hindi siya tanggap nung pamilyang singkit nung babae.
Sabi nila Ramon at Sam YG, wag na muna masyadong isipin ang future nilang dalawa. Enjoy the moment. Kung ano ang meron sila ngayon bilang magkarelasyon, enjoy-in muna nila, kahit medyo hindi aprubado ang pamilya ng babae. Tapos sabi pa, malay daw nila na pagkatapos ng ilang taon, maghihiwalay din sala - ang mahalaga, nag-enjoy sila sa company ng isa't isa.
Parang ganyan 'yung pagkakatanda ko.
So ako naman, nag-iisip, medyo kontra ako. Kung ako lang 'yung kausap nung lalakeng caller, eto sasabihin ko.
Una, itatanong ko kung nakikita niya na ba ang sarili niya na kasama 'yung babaeng intsik ng pangmatagalan? Let's think long term na. Sabi nga nung isang kaibigan ko, hindi ka dapat nakikipagrelasyon para subukan lang kung magiging okay kayo, kung uubra ba, kung may chemistry ba. Kung "Oo" ba o "Hindi" o "Pwede", parang Pinoy Henyo lang. Dapat, papasok ka sa isang relasyon kase gusto mo, kase gusto mo na umubra kayo. Gusto mo na maging okay kayo at gusto mo na "Oo" kayo, never "Hindi" at lalong never "Pwede".
Kung sumagi naman na sa isip nung lalake na sila na nung babae pang-matagalan, then para sa akin, no turning back na. Laban kung laban na yan. Salubungin na ang agos. Pandilatan na ng mata ang mga singkit na intsik. Kapag nasa tabi mo na yung tao na naisip mo na paglalaanan mo ng buhay mo, papakawalan mo pa ba?
Kaya lang may pre-requisite yan, parang English, may 101 bago mag 102. Ganun din sa Love. Bago maglakas ng loob na makipaglaban, dapat handa ka. Siguraduhin mong matibay ang determinasyon mo para maging maunlad sa buhay. Kailangan maipamukha mo sa kanila na bukod sa Neber-Ending-Lab, eh mabibigyan mo din ng pinansiyal na kaginhawaan 'yung babaeng pinaglalaban mo at sinusubukan mong kuhain sa kanila. Isa kase ito sa mga tinitingnan ng mga Intsik (sa palagay ko lang ha) - ang iyong estadong pinansiyal/ekonomikal. Kung sakali namang hindi ka mayaman o "may kaya" lang, okay lang yan, somehow magiging masaya din naman kayo - medyo lalayo nga lang kayo sa pamilya ng babae para hindi ka masyadong magisa sa sabaw na gagamitin sa Mami. Okay na yung masaya kayo, pero siyempre, mas masaya kung aprubado sa lahat ng panig ang pagsasama niyo. Hindi ka man Chinese tulad nila, kapag naipakita mo naman ang iyong "Tunay na pagmamahal" (naks!) at "Malamang Bank Account". siguro naman, kahit papaano, matatanggap ka nila pagdating ng tamang panahon.
Lahat nag paghihirap na pagdaraanan. Lahat ng sakripisyong gagawin. Lahat ng pagod at hirap na dapat tiisin. Mababawi naman lahat yan kapag sa huli, nakasama mo na sa buhay yung isang tao na pinaglaban mo para maging sa iyo.
PERO!
Oh yes! Isang malaking 'PERO' (clue: hindi ito yung bansa ha, PERU 'yun. wag kang tanga)
Kung wala pa namang kasiguruhan na siya na talaga yung babaeng pang Happily-Ever-After mo, eh tama lang na enjoy-in mo lang muna ang bawat oras na meron kayo, basta dapat legal. Hindi palaging patago. Kahit pa sabihing hindi aprubado ang pamilya ng babae sayo. Anu't anu mang ang sitwasyon, ilagay sa tama ang lahat. Ipagpaalam ang mga lakad kung kailangan. Magpakita sa mga magulang niya para kahit .01 percent eh pagkatiwalaan ka naman nila. At siguradahin na palaging ihatid ang babae pagkatapos ng date, hindi yung palaging "Sundo't Hatid" na lang. If you know what I mean. :p
2 comments:
Ang deep mo sir.... Di ko mareach ang bottom... But definitely I agree with you sa points mo about relationship... Superb! Mas superb pa sa avengers!(kaya lang di ko pa napapanood eh!) heheh!
ayun naman. may iba ding nag comment bukod kay nicole. :p nagbabasa ka pala talaga dito fafa red.
Post a Comment