Alam mo ba na ang past tense ng word na 'weigh' ay 'weighed' at hindi 'weighted'?
At ang present tense naman ng salitang yun ay 'weighing' at hindi 'weighting'.
Pwedeng 69% (ngisi) ang chance na tama ang trivia ko at 21% ang chance na mali ito. Wala na akong pakialam dun. Gusto ko lang naman mag-mukhang matalino kaya nilagay ko ang useless na trivia na yan.
At kung bakit ang 'weighting' ang title ng blog na ito, malalaman mo din mamaya, sana.
--
Pa-deep effect.
Naniniwala ako na isang parte sa buhay ng tao ang journey o paglalakbay.
It is through our journeys in life that we discover who we are. It is also trough journey that we were able to meet people which will later on become our friends or one of the closest person in lives - or even become our partner in lives.
Oha! Ang galing ko mag-english ano? Umamin ka humanga ka.
Sa buhay natin, marami naman talaga tayong pagdadaanan. May mga magagandang
Hindi naman maiiwasan yan, meron kaseng 'Law of Duality' or 'Law of Polarity' na somehow nagsasabi, lahat ng bagay eh dapat may kabaliktaran. So kung may magandang experience, dapat meron ding panget. Sa parehong paraan na kung mayroong gwapong blogger (ahem), may panget na reader.
Pero regardless kung maganda or pangit man ang mga naging boyfriend/girlfriend mo. At regarldess din kung maganda or pangit ang mga life experiences mo, somehow hindi mo maitatanggi na meron ka pa ding natututunan sa bawat bagay o karanasan na pinagdadaanan mo.
And that's the purpose of the journeys we are going through everyday in our lives - to learn things on our own, either the easy way or the hard/hurtful/painful/masakit/nakakaiyak/hard way.
Shet! Popoygelo, ikaw ba talaga ito?
Popoygelo: Oo ako ito! Problem?
--
Searching.
Isa din ito sa mga ginagawa natin sa buhay natin. There are times that we look for things that we think can make us happy, either material things or companionship from other people around us. (Napapadalas pag-e-english ko ah).
Naghahanap tayo ng damit na babagay sa atin.
Naghahanap tayo ng gusto natin kainin.
Naghahanap tayo ng ikabubuhay natin at ng pamilya natin.
Naghahanap tayo ng isang tao na mamahalin natin at mamahalin din tayo pabalik. Kung sakaling nahanap mo na ito, well, congratulations, at least tapos ka na sa isang bagay sa buhay mo. May achievement ka na. High Five!
--
Kung may searching, siyempre, may weighting este waiting din.
Waiting.
Bukod sa paghahanap, minsan naman eh naka-steady lang tayo at naghihintay na dumating ang anumang bagay o pangyayari sa buhay natin.
Parang si Juan Tamad, hinihintay niya lang malaglag 'yung bayabas sa bibig niya. Iniisip ko nga, baka mas nauna siyang naka-discover nung gravity kaya lang hindi niya agad na-prove kase naunang nalaglag 'yung mansanas sa ulo ni Sir Isaac Newton. Mas sikat ngayon tuloy si Pareng Isaac. Sikat din naman si Juan, pero sa negatibong bagay nga lang.
Nung nakaraan, halos libutin ko ang buong manila para lang mag-process ng mga dokyumento para sa kumpanyang lilipatan/babalikan ko. Nakarating ako ng Quezon City, Mandaluyong, San Juan at Maynila para lang mag-asikaso ng NBI Clearance ko.
'Yung NBI Clearance, number one yan sa mga bagay na kadalasang hinihintay ng bawat Pilipino, lalo na yung sa mga naghahanap ng trabaho, locally and abroad. Ewan ko ba naman kase kung bakit hindi maisipan ng mabilis na paraan ang pagpoproseso ng dokyumentong ito. Wala bang mas madaling paraan? I'm sure meron yan, hindi pa lang naiisip ng mga taong dapat nag-iisip nito.
Sa isang mall sa Maynila, lampas 4 na oras akong naghintay sa pila hanggang sa makarating ako sa step 1 ng pagpoproseso ng dokyumentong magpapatunay na hindi ako kriminal, mukhang kriminal lang. Mula sa Step 1 hanggang sa pag-re-release nung NBI Clearance ko, wala pang 30 minutes inabot. Mas matagal pa 'yung oras na pinila ko kesa dun sa buong prosesong dapat pagdaanan ko.
Sabagay kasalanan ko din naman, tanghali na din kase ako. Nevertheless, may pagkukulang pa din sila. Dapat alam nila na may mga taong preferred na matulog pa hanggang alas-siyete ng umaga at maiisip lang mag-ayos ng NBI Clearance ng mga alas-nuwebe o alas-diyes na ng umaga. (Nagdadahilan?)
After ko makuha 'yung NBI Clearance ko, napadaan ako ulit dun sa lugar nung mahabang pila. Madami pa ding naghihintay. Gusto ko sana itaas at ipagyabang sa kanila 'yung bagong print kong NBI Clearance. Tapos, gusto ko sanang sabihin na.
"May NBI Clearance na ako. Kayo wala pa. Mamatay kayo sa inggit at sa kakahintay. Bwahaha."
Kaso naisip ko, baka ulanin ako ng masasamang tingin at ng mga matutulis na black ballpen, kaya hindi ko na lang tinuloy 'yung eksenang naisip ko.
Naglakad ako palabas ng mall at saka tumuloy sa isa pang mall para naman magpamedical.
So there!
End of Story. :)
No comments:
Post a Comment