Nuong mga nakaraang taon, may quota ako pagdating sa pagsisimba.
Once a year lang.
Hindi ko naman yan itinakda personally, napansin ko na lang bigla, isang beses lang pala akong nagsisimba buong taon.
Easter Sunday!
'Yun lang ang okasyon kung kailan ako nadadayo ng simbahan. Dati, uma-attend pa ako ng simbang gabi (kahit sa unang simbang gabi lang, the rest di na napupuntahan). Nung high school at college pa ako nun. Pero ngayong may trabaho na ako, hindi kaya ng biological clock ko ang gumising ng mas maaga sa alas-siyete ng umaga, what more 'yung um-attend ako ng pang-madaling araw na misa?
These past 5 years, naka-ka-attend ako ng misa para sa Pasko ng Pagkabuhay. Ewan ko kung anung meron, pero for this type of religious occasion, maaga akong nagigising - at nakakasabay pa ako sa prusisyon at around 4:30AM or 5:00AM.
Siguro, si Bro, ginigising niya talaga ako ng maaga tuwing Easter Sunday. Pagkatapos niya ako gisingin, ngingisi siya at sasabihing:
Bro: "Haha! Huli ka ngayon balbon, nagising ka ng maaga kaya wala kang dahilan para hindi um-attend ng party party ko."
Wag ka mag-alala Bro, hindi naman ako nawawala sa party mo netong nakahuling apat na taon. 'Yun nga lang wala akong regalo. Tagay na lang tayo ng wine pulutan tinapay, gusto mo? Biro lang po.
First Year:
Nung 2008 ako unang nag-attend ng Easter Sunday mass mula nung nalipat kami sa Q.C. Ako lang mag-isa ang pumunta, kasabay ko ang sangkatutak na tao na ni-isa wala naman akong kakilala. Ewan ko lang kung bakit, pero preferred ko na magsimba ng ako lang mag-isa, walang ibang kasama. Pwera na lang pag si kumander ang kasama ko, mas okay.
Second Year:
2009 nung nagsimba ako para sa Easter Sunday, dala ko 'yung Film Camera ko na inuumpisahan ko pa lang aralin kung paano gamitin.
(Hindi ko ma-upload ang image kaya eto na lang ang link)
Third Year:
Nung 2010, nagulat ako one time ng sumama si kuya sa akin sa pagsimba. Mukhang ginagaya niya na yata 'yung kota ko na isang dalaw sa simbahan kada isang taon. Pareho pa schedule namin.
Fourth Year:
2011, kasama ko ulit si kuya sa pag-attend ng misa. Nakasabay kami sa prusisyon at umabot kame sa 'salubong'.
Ang special lang netong taon na 'to. lumampas ako sa quota, nakapag-simba kase ako nung Ash Wednesday, plus pa yung pag-attend ko ng misa nung Easter Sunday, edi dalawa na. Tapos the next few months, naging semi-consistent na ang pagsisimba ko every Sunday.
Fifth Year:
2012, current year.
Napuyat ako kaka-nood ng isang anime series at kakalaro ng isang application sa facebook. Hindi ako nakatulog at hindi ko namalayan na alas-3 na pala ng umaga. Sabi ko kase magpapaantok lang ako, ang nangyare, hindi na ako nakatulog.
Pinag-isipan ko mabuti kung magsisimba pa ba ako o hindi. Baka kase pag nagsimba pa ako, saka naman ako dalawin ng pagod at antok. Siyempre ayaw ko naman matulog sa simbahan.
Napagdesisyunan ko na hindi na lang ako magsisimba, magpapatuloy na lang ako sa "pagpapaantok" sa sarili ko hanggang sa makatulog ako. Nakikipag-bargaining pa nga ako kay Bro. Sabi ko, nung mga nakaraang taon naman um-attend ako sa party niya, ngayon lang hindi. Pagod kase ang katawan ko, alam ko maiintindihan niya ako. At wala namang malakas na kidlat na bumaba sa lupa at tumama sa akin, so siguro naniwala naman Siya sa pagdadahilan ko.
Si Bro, mukhang may naisip na naman na "magandang plano" ang operation "Wag patulugin si Popoygelo: kaya nga ...
4:30 AM na, hindi pa rin ako nakakatulog. Naririnig ko na ang putok ng mga quitis, ibig sabihin naandyan na ang prusisyon. So sabe ko, okay lang, hindi naman ako magsisimba nga yon.
At the very last minute, binawi ko 'yung una kong desisyon. Para lang akong babae na biglang nagbago ng isip (no offense sa mga babaeng makakabasa neto. :p) Kumilos ako ng mabilis, nagbasa ng towel at saka pinunas sa katawan. Hindi kase ako pwedeng maligo dahil puyat ako, yun kase ang sabi nila. Naglagay ako ng deodorant para siyempre hindi mangamoy tapos nagsipilyo.
In less than 15 minutes, nakalabas ako ng bahay, sumakay ng tricycle papuntang simbahan. Kasabay ko sa tricycle 'yung dalawang pinsan ko at isang pamangkin. Sa may Grotto daw sila sa Bulacan kaya hindi na ako sumama hanggang doon. Dumiretso ako sa simbahan kung saan ako dumadalo ng Pasko ng Pagkabuhay for the last 4 years.
At dahil dun, nakumpleto ko lahat ng misa para sa Easter Sunday from 2008 to 2012. Siguro, dapat panindigan ko na ang pagsisimba tuwing Pasko ng Pagkabuhay, after all, hindi ko rin naman pwedeng tuluyang talikuran ang "Bromance" ko with God. :)
2 comments:
Haha! Bromance! :)
Ayan ang tawag sa romance namin ni Bro. :D
Post a Comment